Jrldm and Gloc 9 - Lagi Na Lang [feat. Gloc 9]

Ah
Sa'n ka natatakot
Lungkot ba o pagod
Buhay ay pareho lang naman ng dahilan
Bigyan mo nang patas wala nang babalik
Lahat ng bagay na iyong mamahalin
Nasa dulo ang ibabalik sa 'yo lahat sakit

Lagi na lang la la lang
Lagi na lang la la lang

'Lang hiyang pag ibig 'yan
Laging hapdi na lang ang natitira
Para bang hindi pagbibigyan
Gusto sawi ka lang yeah
Kung pupwede lang na ibalik muli 'yung dati
Aking hihiling sa mga bituin 'yung dati

Sa'n ka natatakot na Kapag napapagod na o kapag nabalot ba
Lulungkot ang mata o maiwan na lang sa pagitan ng mga katanungan
Na ang kasagutan ay alam mo na pero hindi mo kaya
Hindi hindi
Hindi ko kaya

Lagi na lang la la lang
Lagi na lang la la lang

Lahat ng aking paninda kailan ko ba 'to ininda para lang mapagbigyan ka
Pero gano'n pa rin nagsinungaling ang galing-galing
Alam ko na'ng tawag sa 'kin 'di na kailangan pang ulitin
Tanga uto-uto lakad sige yuko kahit na wala kang hahanapin
Kasalanan ko ba kung ako'y nahulog lang
Dumudugo hayaan mo na dahil 'yan ay bubog lang whoa-oh

Ayaw ko sanang gawin nang ganito ang aking mga pakay
Pero parang damit mong isinuot na hindi bagay
Tila haligi sa bahay na pinutakti ng anay
O batang-batang dalagang walang-awa na hinalay
Pag-ibig ko na inalay
Dinura pagkatapos kainin at lunukin ang mga katas
Sige silipin ang likod ako lang ang tanging bukod
Kahit lahat ay manood kasi nakabukas ka lagi sa lahat ng bibili

Bakit 'di mo naisip na iningatan kita
Kahit na ano man ang daanan harangan kailangang ilaban
Walang-hangganang hintayan ang pagmamahal ko sa 'yo
Parang bukid na uhaw sa tubig nang ilang buwan
'Pag hindi nadiligan ay 'di na pwedeng taniman
Gaano ba kahayok ang mga laman na tigang
Pinipilit maalala kailan ka nahalikan

Sa'n ka natatakot
Lungkot ba o pagod
Buhay ay pareho lang naman ng dahilan
Bigyan mo nang patas wala nang babalik
Lahat ng bagay na iyong mamahalin
Nasa dulo ang ibabalik sa 'yo lahat sakit

Lagi na lang la la lang
Lagi na lang la la lang


Written by:
ARISTOTLE POLLISCO, JERALD LAXAMANA MALLARI

Publisher:
Lyrics © Warner Chappell Music, Inc.

Lyrics powered by Lyric Find

Jrldm and Gloc 9

View Profile