Basil Valdez - Ikaw Lamang Pala

Tuwang-tuwa ng ikaw ay makitang muli
Heto na siguro ang hinihintay na sandali
Sumisikip ang dibdib sa naghalong tuwa't kaba
Paano masasabi ko kaya sa'yo

Gulong gulo ang isip at palaging naroon ka
Dahil nasa puso ay isang kaibigan pala
Lumalakas lang ang loob pag ika'y malayo pa
Akalain ko bang ikaw lamang pala

Ang hinihintay at hinahanap kung saan-saan
Ang isasama at ihaharap sa kinabukasan
Ang kinakailangan ko ng di na mag-isa
Mula ngayon hanggang katapusan

Tuwang-tuwa at tayo'y nagkausap muli
Heto na siguro pinakahihintay na sandali
Sumisikip ang dibdib sa naghalong tuwa't kaba
Paano ko kaya nasabi sa'yo

Gulong gulo ang isip at palaging naroon ka
Dahil nasa puso ay isang kaibigan pala
Lumalakas lang ang loob pag ika'y malayo pa
Akalain mo bang ikaw lamang pala (akalain ko bang ikaw lamang pala)

Ang hinihintay at hinahanap kung saan-saan
Ang isasama at ihaharap sa kinabukasan
Ang kinakailangan ko ng di na mag-isa
Mula ngayon hanggang katapusan (mula ngayon hanggang katapusan)

Ikaw lang pala

Written by:

Publisher:
Lyrics © Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find

Basil Valdez

Basil Valdez

View Profile