Julian Trono - Pilipit

Puso ko'y di mapakali tuwing nakikita ka
Isip ko ngayo'y gulong gulo sa nadarama
Hindi alam kung ano ang gagawin
Natataranta sa tuwing ika'y tumitingin
Paano ba kakausapin

Pumipilipit dila kakapilit
Ngunit tila 'di ko magawang aminin
Tunay na nadarama
Bugtong bugtong pa'no maidurugtong
Itong salitang nakakulong
Paano sasabihing mahal kita (oh oh)

Natutulala ako sa tuwing dumarating ka na
'Di na mapigilan ang ngiti sa'king mga mata
'Di pa ba halata sa namumulang mukha na gusto kita
Paano aaminin sa'yo

Pumipilipit dila kakapilit
Ngunit tila 'di ko magawang aminin
Tunay na nadarama
Bugtong bugtong pa'no maidurugtong
Itong salitang nakakulong
Paano sasabihing mahal kita

Kung sa tuwing sinusubukan takot ay humahadlang
Paano kung hindi pareho ng nararamdaman
Kung 'di ko gagawin ay pagsisisi ang nakaabang
Saan nga ba pwedeng magsimula
Sisimulan sa pagsabing mahal kita oh oh

Pumipilipit dila kakapilit
Ngunit tila 'di ko magawang aminin
Tunay na nadarama
Bugtong bugtong pa'no maidurugtong
Itong salitang nakakulong
Paano sasabihing mahal kita

Pumipilipit dila kakapilit
Ngunit tila 'di ko magawang aminin
Tunay na nadarama
Bugtong bugtong pa'no maidurugtong
Itong salitang nakakulong
Paano sasabihing mahal kita

Written by:

Publisher:
Lyrics © Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find

Julian Trono

Julian Trono

View Profile