DOGFIGHT Philippines - SAKRAMENTO

Rebolusyon
Sariling apoy sumunog ka sa galit, pasakit na dulot ng kasakiman
Sarili mong mundo naliligaw at nalilito
Kung bakit dumudugong mga mata umiiyak at Nagdurusa?
Nag-iisa ka sa dilim nang makita mo ang salamin
Titigan mo ang iyong sarili, di nais makita ang pangit ng iyong mukha

Sariling apoy sumunog ka sa galit pasakit na dulot ng kasakiman
Sarili mong mundo naliligaw at nalilito
Kung bakit nakaupo at natatawa suot ang iyong Maskara?
Nagbabalasa ka ng baraha, mandurugas ka hudas dugo ko ang iyong sinugal
Sariling apoy sumunog ka sa galit pasakit na dulot ng kasakiman
Sarili mong mundo naliligaw at nalilito kung bakit, sariling apoy masusunog ka

Ngayon ikaw ay naduduwag

Wag kang bibitiw
Ngayon ay masisilaw ka sa taglay kong liwanag na lumiliyab
Ang pag-ibig ko'y para sayo lumiliyab
Ang pag-ibig ko'y para ikaw ay mapalaya sa dilim at mga kadena
Ang buhay ko'y kapalit isipin mo
Isipin mo ang mga pagdurusa ko
Ngayon naliligo sa aking sariling dugo
Isapuso mo ako ang sakripisyo
Irespeto ako ang sakramento

Written by:
Christian Dacoco

Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid

Lyrics powered by Lyric Find

DOGFIGHT Philippines

View Profile
Sakramento - Single Sakramento - Single