Thyro Alfaro, Janine Teñoso, John Roa, Julian Trono, Shehyee, Jeric Medina, Pio Balbuena, Nicole Omillo, Jem Cubil and Lumi Lacsamana - Kayang Kaya

Minsan para bang walang katuwang
Wala ring makapitan
Nag-iisang lumalaban at para bang
Ika'y napanghihinaan

Parang tumigil ang daigdig sa paggalaw
At tila ba nais mo na lamang na bumitaw
Woh
Ngunit lahat nang 'to ay malalampasan (woh)
Hindi niya tayo iiwan

Wag nang malulumbay itong pagsubok ay sadyang kayang-kaya
'Di man hawak-kamay
Ang puso natin ay
Laging sama-sama
Kapit lang hanggang sa dulo
Manalangin at 'wag susuko
Tayo ay magtatagumpay
Basta't sama-sama

Kayang- kaya oh
Kayang-kaya
Kayang-kaya oh
Kayang-kaya

Gaano pa man kabigat ang ulan
Tayo ay makakaahon
At gaano pa man kalayo ang pampang
Tayo'y makadadaong

Hindi titigil ang daigdig sa paggalaw
At may pag-asa pa
Kaya't 'wag kang bibitaw
Woh
Ngunit lahat nang 'to ay malalampasan (woh)
Hindi niya tayo iiwan

Wag nang malulumbay itong pagsubok ay sadyang kayang-kaya
'Di man hawak-kamay
Ang puso natin ay
Laging sama-sama
Kapit lang hanggang sa dulo (dulo)
Manalangin at 'wag susuko
Tayo ay magtatagumpay
Basta't sama-sama

Unti-unti man sa paghakbang
Ito'y ating malalampasan
Kaya sige lang sige lang sa paghakbang
Ang bagong bukas ay nag-aabang

Mahirap talagang mabuhay dito sa mundo
'Wag kang magalit nagsasabi lang ako ng totoo
Marami nang nasira at tila hindi na mabuo
Pero magugulat silang lahat kasi alam ko
Malalampasan mo pa 'to
Pilipino ako kakaiba 'to
Marami na 'kong sinalong binato
Mga pangit na nakaraang dinaanan
Ngayon ay nginingitian ko
'Pag merong problemang tumira
At hindi na masalag 'to
Pinipikit ko ang mga mata
Yumuyuko dinadasalan ko oh

Tagumpay ang hatid 'pag sama-sama
Tayong nagkasundong hindi magsama-sama
Pansamantala lamang 'to, gano'n naman palagi
Ngayon ay lumalaban bukas tayo'y babawi
Umaga o tanghali o hapon o gabi
Sana'y pag-asa lagi ang mangibabaw
'Wag mag-alala kung nahihirapan ka ngayon kasi
Darating naman ang madaling araw araw

Woh
Diba lahat nang 'to ay malalampasan (woh)
Hindi niya tayo iiwan

Wag nang malulumbay itong pagsubok ay sadyang kayang-kaya (yang-kaya)
'Di man hawak-kamay
Ang puso natin ay
Laging sama-sama
Kapit lang hanggang sa dulo (dulo)
Manalangin at 'wag susuko
Tayo ay magtatagumpay
Basta't sama-sama (kayang-kaya)

Kayang-kaya oh
Kayang-kaya (kaya natin 'to)
Kayang-kaya oh (kayang -kaya)
Kayang-kaya (kayang-kaya)
Kayang-kaya oh (kayang-kaya)
Kayang-kaya (kayang-kaya)
Kayang-kaya oh
Kayang-kaya (kayang-kaya)

Written by:

Publisher:
Lyrics © Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find

Thyro Alfaro, Janine Teñoso, John Roa, Julian Trono, Shehyee, Jeric Medina, Pio Balbuena, Nicole Omillo, Jem Cubil and Lumi Lacsamana

View Profile