RiverMaya - Alab Ng Puso [.]

Ika'y matutumba ika'y masasawi
Mabibilangan ka ngunit babangon kang muli
Walang maniniwala walang makikinig
Wala na raw pag-asa'ng daigdig mong tagilid
Padadala ka ba sa agos o hindi

Patay na kung patay magka-alaman lang
Lahat ibibigay dahil wala na 'tong atrasan
Kagitingan ng puso ang labanan

Lumuha ka kung hindi mo mapigilan ang tuwa
Matagal kang naghintay kaibigan
Umawit ka paabutin mo sa langit ang tamis ng sandaling ibinigay

Tagumpay tagumpay
Alab ng puso kailan ma'y hindi sumuko
Tagumpay tagumpay
Oh tagumpay tagumpay
Alab ng puso kailan ma'y hindi sumuko
Tagumpay tagumpay
Oh oh

Written by:

Publisher:
Lyrics © Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find