Ex Battalion - Singsing (Original Soundtrack from the movie ""Abay Babes"")

SINGSING

Kung hindi man para sa 'kin ito 'di na ko magtataka kung bakit laging bigo
Ako ay lagi lamang naririto kahit na nahihirapan na ang sarili ko
Ayan na kong maghintay yay yay
Kung kailan ibibigay yay yay oh woo
Pero kung 'di man para sa 'kin ito kahit na anong mangyari ako'y naririto

Ibang-iba ang dating kahit saan pa tumingin
Walang kapares ang ganda parang mga bituin
Ang lambing ng kilos madaling mahalin
Siya ay dyamanteng makinang ang hirap n'yang abutin
At siya'y isang dalaga pangala'y Esmeralda
At sa buong barkada siya lang ang naka-tsamba
Na matupad ang pangarap niya na kasal
Kaso pang-komersyal lang at pang-TV literal

Kung tawagin silang magbabarkada ay bingo ladies
Siya ang pinakaangat sa grupo no one's against it
Pero lahat may katanungan
Kung bakit kadalasan ng gustuhin iba ang kapalaran

Kung hindi man para sa 'kin ito 'di na ko magtataka kung bakit laging bigo
Ako ay lagi lamang naririto kahit na nahihirapan na ang sarili ko
Ayan na kong maghintay yay yay kung kailan ibibigay yay yay
Pero kung di man para sa 'kin ito kahit na ano'ng mangyari ako'y naririto

Pakinggan ang istorya nitong si Ruby
Tipo ng babaeng hindi basta tipikal lang
Top of the class at 'di siya nagpapahuli
Pero gaya ng iba na meron ding napagdaanan
Siya'y dalaga, matalino na tapos sa medisina
Malawak ang isip niya ngunit may pagkataklesa

Minsan ay umasang balang-araw makasal sa isang tao
Na pinangarap at lubos niyang minahal
Ngunit di niya inakalang dadanas ng kabiguan
Nang mapag-alamang sa nobyo niya'y may di sya nalalaman
Na taliwas sa inakala ang lihim nitong katauhan
Ngunit babangon siya anumang pait ng kapalaran

Kung hindi man para sa 'kin ito' di na ko magtataka kung bakit laging bigo
Ako ay lagi lamang naririto kahit na nahihirapan na ang sarili ko
Ayan na kong maghintay yay yay kung kailan ibibigay yay yay
Pero kung 'di man para sa 'kin ito kahit na ano'ng mangyari ako'y naririto

She the one pinakaswabe yan ang sabi sa kwento
Kung titingnan parang walang depekto
Yung korte perpekto kaso tiyempo 'di na pwede kay Pedro
Kasi napamahal na siya sa kumbento
Kaya mukhang hindi na para kay Adan ang kutis balerina
Malabo nang maging tulad ni Zoren at Carmina
Binalutan at mukha niya na lamang ang pwedeng makita
Nakarating na sa altar kaso nga lang bilang Maria

Pinangarap kong makarating ng kasalan
Nangyari kaso lang sa ibang pagmamahalan
Iba man ang dahilan bago ko pa maranasan
Ayos lang kahit hindi binigay ng kapalaran

Kung hindi man para sa 'kin ito 'di na ko magtataka kung bakit laging bigo
Ako ay lagi lamang naririto kahit na nahihirapan na ang sarili ko
Ayan na kong maghintay yay yay kung kailan ibibigay yay yay
Pero kung 'di man para sa 'kin ito kahit na ano'ng mangyari ako'y naririto

Lagi na lang kaibigan ang dating
Kahit na estado natin mahirap na tanggapin
Ako sa 'yo ay merong palihim na pagtingin
Matalik na kaibigang babae lang tayo dapat
Hindi pwedeng kiligin

Pero bakit ba sa tuwing ikaw ay nasa tabing
Tayong dalawa nagmimistulang lesbian ang dating
Sa'n man tayo magpunta ay pinipiktyuran kita
Di ko akalain sunod na kuha'y sa kasal mo na
Gusto kong sabihing Goldie, I'm happy, I'm always be here forever
Jade, I'm still ang bestfriend mo na chubby
Masaya ako na maging abay at sa 'yong kasalan
Na sa ibang kamay ibinigay ng kapalaran

Kung hindi man para sa 'kin ito 'di na ko magtataka kung bakit laging bigo
Ako ay lagi lamang naririto kahit na nahihirapan na ang sarili ko
Ayan na kong maghintay yay yay kung kailan ibibigay yay yay
Pero kung 'di man para sa 'kin ito kahit na ano'ng mangyari ako'y naririto

Nawawalan na siya ng pag-asa na meron pang tyansa
Dumating ang araw na iharap siya sa dambana
Di naman daw siya yung tipong may nagkakandarapa
Kaso mapaglaro pala talaga ang tadhana

Sa unang tingin walang ningning
At kung tutuusin hindi siya kapansin-pansin
Sino'ng mag-aakalang panahon ay darating
Na siya pa pala ang unang aalayan ng singsing

Bagay na minsan lamang mararanasan
Sa kanya pa nangyari nang di inaasahan
Kabaliktaran pala kadalasan
Kaya huwag pangunahan kung anong kapalaran

Kung hindi man para sa 'kin ito di na ko magtataka kung bakit laging bigo
Ako ay lagi lamang naririto kahit na nahihirapan na ang sarili ko
Ayan na kong maghintay yay yay kung kailan ibibigay yay yay
Pero kung 'di man para sa 'kin ito kahit na ano'ng mangyari ako'y naririto

Ayan na kong maghintay yay yay kung kailan ibibigay yay yay
Pero kung 'di man para sa 'kin ito kahit na ano'ng mangyari ako'y naririto

Ayan na kong maghintay yay yay kung kailan ibibigay yay yay
Pero kung 'di man para sa 'kin ito kahit na ano'ng mangyari ako'y naririto

Kung hindi man para sa 'kin ito di na ko magtataka kung bakit laging bigo
Ako ay lagi lamang naririto kahit na nahihirapan na ang sarili ko

Written by:
Bosx1ne, Brando, Emcee Rhenn, Flow G, Badger, Skusta Clee

Publisher:
Lyrics © Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find

Ex Battalion

Ex Battalion

View Profile