Jrldm and Loonie - Pansamantala [(feat. Loonie)]

La la
La la
Pansamantala la

Pansamantala lamang ang amats ng alak
Di ko mapatay ang dapat kahapon dapat
Nais ko nang tapusin ang lahat ng dahan-dahan
Wala namang papayag kung sakaling magpaalam

La la
La la
Pansamantala la

Mukhang mabuti pa na wag na lang na huminga
Kung pareho lang naman sa pagkalunod
Lahat ng galit na ito galit sa mundo nais masunog
Pag nawawala na ang tama ay di ko na alam
Sasabihin ko pa ba kung hindi mo rin alam kung anong pakiramdam
Kung dahan-dahan lang na gumuguho ang mga bagay-bagay
Sinungaling ang ginto di rin magtatagal nakatago pala
Sa pansamantala

La la
La la
Pansamantala la

La la
La la
Pansamantala la
Pansamantala lang oh

Usok ang agahan alak ang pananghalian
Hinahanap-hanap amat na panandalian
Lutang walang balak makipaglaliman
Tila isdang hinampas ng dagat sa dalampasigan
Pansamantalang mga ligaya di ko alam kung bakit di ko maiwan
Walang hanggang saya ang pinakamalungkot na kasinungalingan
Ba't ako umiinom tama kutob mo
Para lunurin ang demonyong na sa loob ko
Naging banyaga sa sarili kong bansa
Napilitan gumawa ng sarili kong mundo
Aaminin ko sayo tinititigan ko ang bukas na mata sa mata (sayo)
Para lang makahiram ng saya sa kanya
Kaya wag ka ng magtaka kasi ganyan talaga
Pinakamalaking pagkakamali na aking nagawa
Ay ang mawala sa piling mo
Di naman ako nagmamadali kaya dahan-dahan kong pinapatay sarili ko
Pumunta sa ka-tropa ang sabi nya sa akin
Kumusta ka na kosa Ubos na ba ang droga Sundot muna ng coca
Malapit nang magunaw ang mundo na corona
Mamamatay tayong sabog umulan man ng bomba

La la
La la
Pansamantala lamang ang amats ng alak
Di ko mapatay ang dapat kahapon dapat (pansamantala)
Nais ko ng tapusin ang lahat ng dahan-dahan
Wala namang papayag kung sakaling magpaalam
La la
La la

Pansamantala la

Pansamantala lang oh


Written by:
JERALD LAXAMANA MALLARI, MARLON PERORAMAS

Publisher:
Lyrics © Warner Chappell Music, Inc.

Lyrics powered by Lyric Find

Jrldm and Loonie

View Profile