Moira Dela Torre - Saglit [Halfway Point]

Malayo man ang distansya
'Di man marinig ang boses mong aking nakasanayan
'Pipikit na lang muna
At papagalingin ang mga mata sa kaluluha

At hihinga ng malalim
At papakalmahin ang patalim
Tapos na ang laban
Salamat sa saglit

Salamat sa sakit
Ako'y 'di magsisisi kahit 'di ka na sa akin
Kung bukas man ako ay lilingon
Makikita sa tabi na minsang sandali kang naging akin

Sa paghulma ng paalam
'Di na madama ang pagbitaw ng 'yong mga kamay
'Pipikit na lang muna
Iiwas ng tingin at aatras bago ito bawiin

At hihinga ng malalim
At papakalmahin ang patalim
Tapos na ang laban
Salamat sa saglit

Salamat sa sakit
Ako'y 'di magsisisi kahit 'di ka na sa akin
Kung bukas man ako ay lilingon
Makikita sa tabi na minsang sandali kang naging akin

Oh

At sa pagbawi ng tadhana
Masakit man magpalaya
Doon ako kung sa'n ka sasaya
Kung sa'n ka malaya

Salamat sa saglit
Salamat sa sakit
Ako'y 'di magsisisi kahit 'di ka na sa akin
Kung bukas man ako ay lilingon
Makikita sa tabi na minsang sandaling naging akin

Written by:
Jason Marvin Hernandez, Moira Rachelle B Dela Torre

Publisher:
Lyrics © Warner Chappell Music, Inc.

Lyrics powered by Lyric Find

Moira Dela Torre

Moira Dela Torre

View Profile
Halfway Point (Reimagined) Halfway Point (Reimagined)