Moira Dela Torre and Jason Marvin - Kita Na Kita [Halfway Point]

Una kitang nasilayan di kita nakita
Lumampas ng tingin
Kung nagsasalita lang ang hangin
'Di nag dal'wang isip
Agad ka sanang napansin

Oh

Kita na kita
Pasensya ngayon lamang
Isang saglit lang ba'ng tagpuan ang mababalikan

Sa isang iglap ay nabitawan
Lahat ng kinatakutan
Nung tumingin ka sa akin
Pangalawang pagkakataon sana
Pero 'di natin nakita
Nanakawan ng saglit

Oh

Kita na kita
Pasensya ngayon lamang
Isang saglit lang ba'ng tagpuan ang mababalikan
Kung kelan nandyan na
Dun ka pa lumisan
Isang saglit lang ba'ng tagpuan ang mababalikan

Pangatlo pang-pito pangsampung pagkakataon
Ngunit isang saglit lang ang kinailangan ko
Upang maintindihan ikaw ang hinahanap ko
Isa dalawa tatlo

Kita na kita
Pasensya ngayon lamang
Isang saglit lang ba'ng tagpuan ang mababalikan
Kahit wala ka na
Ikaw parin ang hanap
Isang saglit na habang buhay ang mababalikan

Written by:
Jason Marvin Hernandez, Moira Rachelle B Dela Torre

Publisher:
Lyrics © Warner Chappell Music, Inc.

Lyrics powered by Lyric Find

Moira Dela Torre and Jason Marvin

View Profile
Halfway Point (Reimagined) Halfway Point (Reimagined)