Ogie Alcasid - Ikaw Pa Rin Pala

Minsan tayo ay nagsumpaan
Habang buhay magmamahalan
Minsan tayong dalawa'y nangako
Na iisa ang ating puso
Ngunit lahat ng iya'y nagbago
Pag-iibigan ay naglaho
Ikaw ay nasaktan
Ako ay iniwan
Di' ka man lamang nagpaalam

Ilang taon na rin ang lumipas
Ika'y nakita at di' ko magawang umiwas
At nang titigan ka'y bigla kong naalala
Ang tamis ng iyong halik
Yakap mong napaka higpit
Hindi parin nagbabagong damdamin ko sa'yo
At sabi mo'y hanggang ngayon mahal mo pa ako
Bakit kita nasaktan
Bakit ako'y iniwan
Akala ko'y wala na akong maaasahan

Ikaw pa rin pala ang aking mamahalin
Ikaw pa rin pala ang iibigin
Hindi ko akalain na pagkatapos ng lahat
Ikaw pa rin pala
Ang mamahalin

Mula ngayo'y di' ka pababayahan aking mahal
Hinding-hindi na papayag mawala kang muli
Sa piling ko o mahal ko oh

Ikaw pa rin pala ang aking mamahalin
Ikaw pa rin pala ang iibigin
Hindi ko akalain na pagkatapos ng lahat
Ikaw pa rin pala
Ikaw pa rin pala
Ikaw pa rin pala
Ang mamahalin

Written by:

Publisher:
Lyrics © Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find

Ogie Alcasid

Ogie Alcasid

View Profile