The OPM Hitmen - Magkakaibigan

Nagbabalik tanaw sa mga awit at sayaw
Mga barkadang nagging magkakapatid
Diyan nagsimula ang pagkakaisa
Ang aming grupo ay nabuo na

Nagkaisa sa nota, nagkasabay ang galaw
Nagtiyaga sa ensayo hanggang hatinggabi
Sa entablado naging handa na
Yan po ang aming magandang simula

Kami’y magkakaibigan pa rin
Saan man kami makarating
Talento sa pag-awit, mula sa Diyos
Ang aming gamit

Ilang taon nang nagdaan kami’y nandito pa
Naghahatid ng saya’t ligaya
Ito’y madarama sa aming musika
Na sa inyo’y iniaalay

Lumalaki ang tropa, iba’t-ibang edad
Magmula sa kulay, timbang hanggang tangkad
Kami’y natutoto sa isa’t isa
Sa bawat hamon ay sama-sama

Kami’y magkakaibigan pa rin
Saan man kami makarating
Talento sa pag-awit, mula sa Diyos
Ang aming gamit

Kami’y magkakaibigan pa rin
Saan man kami makarating
Talento sa pag-awit, mula sa Diyos
Ang aming gamit

Magkakaibigan pa rin
Magkakaibigan pa rin
Magkakaibigan pa rin
Magkakaibigan (o tara na!)
Magkakaibigan pa rin

Written by:
RANIER RAYMUNDO

Publisher:
Lyrics © Songtrust Ave

Lyrics powered by Lyric Find

The OPM Hitmen

View Profile
The OPM Hitmen - EP The OPM Hitmen - EP