December Avenue - Muling Magbabalik

Minsan lang ako'y mayroong natutunan
At hinding hindi rin ikaw ang matatagpuan
Sana lang ako'y may patutunguhan
At 'di maligaw sa buhos ng ulan

Tulad ng isang pag-ibig na hinilom ang sakit
'Di malilinlang ang puso kong sabik sa sandali

Sa paghayag ng puso kong naghihintay hanggang ngayon
Unti-unting dumadaing sa piling mo'y uhaw pa rin
Sa paglayag magbabalik
Mararanasan ba ang sakit
Lumapit ka sa akin at hindi ka na lilisan pang muli

Sana lang ako'y di mapag-iwanan
At hindi bumitaw sa'yong mga kamay

Tulad ng isang pag-ibig na hinilom ang sakit
'Di malilinlang ang puso kong sabik sa sandali

Sa paghayag ng puso kong naghihintay hanggang ngayon
Unti-unting dumadaing sa piling mo'y uhaw parin
Sa paglayag magbabalik
Mararanasan ba ang sakit
Lumapit ka sa akin at hindi ka na lilisan pang muli

Hindi man maalis ang pagkukulang ko sa'yo
Muling ibabalik ang pag-ibig sa ngalan mo

Sa paghayag ng puso kong naghihintay hanggang ngayon
Unti-unting dumadaing sa piling mo'y uhaw pa rin
Sa paglayag magbabalik
Mararanasan ba ang sakit
Lumapit ka sa akin at hindi ka na lilisan pang muli

Sa paghayag ng puso kong naghihintay hanggang ngayon
Unti-unting dumadaing sa piling mo'y uhaw pa rin
Sa paglayag magbabalik
Mararanasan ba ang sakit
Lumapit ka sa akin at hindi kana lilisan pang muli

Muling magbabalik
Lilisan kang muli
Muling magbabalik
Lilisan kang muli
Muling magbabalik
Lilisan kang muli
Muling magbabalik
Lilisan kang muli
Lilisan kang muli

Written by:
RONZEL BAUTISTA

Publisher:
Lyrics © Songtrust Ave

Lyrics powered by Lyric Find

December Avenue

December Avenue

View Profile
Muling Magbabalik - Single Muling Magbabalik - Single