Ebe Dancel - Ikaw Ang Aking Tahanan

Gabi at umaga ang agwat nating dalawa
Sa pagitan ay mga bit'wing tila kulang ng ningning
Nagsusumikap nagpapakahirap
'Di makatulog ng mahimbing sa kamang hindi akin

Malayo man ikaw lamang ang laman ng aking isipan
Malayo man ikaw pa rin ikaw lamang ang aking tahanan ('di mo lang alam)

Tinitiis ang lamig alang-alang sa pag-ibig
'Di madali ang buhay na pinili para sa'kin ng tadhana
Ngunit ngayong gabi ang tanging nais lamang
Ay humiga sa iyong tabi 'wag sa kamang hindi akin

Malayo man ikaw lamang ang laman ng aking isipan
Malayo man ikaw parin ikaw lamang ang aking tahanan oh
Malayo man ikaw lamang ang laman ng aking isipan
Malayo man ikaw parin ikaw lamang aking tahanan
Malayo man ikaw lamang ang laman ng aking isipan
Malayo man ikaw parin ikaw lamang ang aking tahanan
Ikaw lamang ang nag-iisang tahanan
Ikaw lamang ang nag-iisang tahanan (tanging ikaw lang)

Written by:
VINCENT FERDINAND DANCEL

Publisher:
Lyrics © Warner Chappell Music, Inc.

Lyrics powered by Lyric Find

Ebe Dancel

Ebe Dancel

View Profile
Dalawang Mukha ng Pag-ibig Dalawang Mukha ng Pag-ibig