Obsessed with Fireflies - Pahingi ng Pahinga

Pitong taon na 'kong puyat
Kat'wang tao'y nangayayat
Buto't balat na nga
Ang payat payat

Gising ako kapag may buwan
Tulog ako kapag may araw
Daig ko pa ang bampira
Namumutlang balat

Pahingi ng pahinga
Pahingi ng pahinga

Pasimula pa lang araw ko
At ang iba'y nahimbing na
Ang bagal bagal
Ng takbo ng aking oras

Minsan nama'y natutulala
At ayaw ng gumalaw
Gising ka nga pero
Natutulog na ang diwa

Pahingi ng pahinga
Pahingi ng pahinga
Pahingi ng pahinga
Pahingi ng pahinga

Malambot naman ang kama
May unan ka pang kasama
Ipikit mo nang
Iyong mga mata

Nag-aabang ng mga tupa
Managinip ng masaya
Ipikit mo nang
Namumugtong mata

Pahingi ng pahinga
Pahingi ng pahinga
Pahingi ng pahinga
Pahingi ng pahinga

Ala siete na ng umaga uwian na
(Araw-araw naman akong maghihitay)
Ang panalangin sa pag-uwi ko nandiyan ka pa
(Na tayo ay mag-kasabay)

Written by:
Norman San Joaquin, Steven Andaya

Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid

Lyrics powered by Lyric Find

Obsessed with Fireflies

View Profile
Pahingi ng Pahinga - Single Pahingi ng Pahinga - Single