Obsessed with Fireflies - Parola
Ako'y lumulutang
Sa gitna ng kalawakan
Pinipilit bumalik
Ngunit di makakapit
Sa pangakong
Iyong binitawan
Naliligaw
Wala ng matanaw
Nakakahibang
Pag di na alam
Unti-unti nawawala
Ang ilaw ng parola
Ang sinag nya'y hindi ko na
Di ko na makita
Ako'y nahuhulog
Kasabay ng mga tala, nalulunod
Sa gapos ng mga luha
Mga anino ng kahapon
Inaabot ngunit di mahawakan
Gusto ka lang mahawakan
Unti-unti nawawala
Ang ilaw ng parola
Ang sinag nya'y hindi ko na
Di ko makita
Asan ang yong liwanag
Asan ang yong liwanag
Asan ang yong liwanag
Wala ng matanaw
Asan ang yong liwanag
Asan ang yong liwanag
Asan ang yong liwanag
(Nahuhulog, Inaanod, Nalulunod Ako)
Unti-unti nawawala
Ang ilaw ng parola
Ang Sinag nya'y hindi ko na
Di ko makita
Hinahanap kong liwanag ay
Wala na sa'yong mata
Naubusan ba ng dahilan
Mga dahilan
Written by:
Norman San Joaquin, Steven Andaya
Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid
Lyrics powered by Lyric Find